Dahil ang Agosto ay itinuturing nating mga Pilipino na Buwan ng Wika, sa aking palagay ay nararapat lamang na ang anumang naisin ko ay aking isusulat sa wikang Filipino.
Nakakalungkot man na isipin ngunit kadalasan, marami sa ating mga Pinoy ang nagpapayabangan at nagpapagalingan sa kung sino ang mas magaling bumigkas sa wikang dayuhan, partikular sa wikang Ingles. Naglipana ang mga kabataan, propesyunal, at minsan kahit tambay na panay ang ratsada sa wikang Ingles, samahan pa ng 'twang' at 'accent' na mahihiya ang dayuhan na makipagsabayan ng talastasan. Ito ay isang bagay na talaga namang maaari at nararapat nating ipagmalaki subalit nawa'y hindi rin natin makalimutan na mahalin muna ang sariling atin - ang ating sariling wika.
Isa itong hamon, hindi lamang sa inyong makakabasa nito ngunit lalo na sa aking sarili. Ako na naging alipin na din ng globalisasyon at patuloy na transpormasyon ng lipunan para maka angkop sa mga dayuhang namumuhunan sa ating bayan. Sa totoo lang, mas mahirap na magsalita o magsulat ng purong Filipino/ Tagalog kumpara sa Ingles. Ngunit bilang paggunita sa ating buwan ng wika, sisikapin ko na gumawa ng maraming akda hindi lamang para may mabasa kayo, kundi para na din mahinang ang kakayahan ko.
Bongga di ba.
No comments:
Post a Comment